Lunes, Nobyembre 10, 2014

Ang Pamilya at ang Kinabukasan, Ang Kahalagahan ng Wika, Kakulangan ng Sahod, Ang Ating Kapaligiran, atEdukasyon

Ang Pamilya at ang Kinabukasan



Mga kapanalig, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pamilya. Tumingkad ito sa ehemplo ng yumaong Sec. Jesse Robredo sa kanyang dedikasyon sa sa kanyang pamilya at tungkulin sa bayan. Mainam na tingnan natin ang kaugnayan ng mabuting pamamahala sa pamilya at lipunan.
          Marami sa atin ang nag-aakala na isang malaking balakid ang pamilya sa isinusulong nilang kahusayan sa kanilang karera o trabaho. Sa halip na magkaroon ng maraming oras para sa pamilya, mas binibigyan nila ng panahon ang trabaho bunga na rin ng kakapusan ng pera.
Kapag maayos ang pamamalakad ng isang tao sa kanyang pamilya, mas maayos din po ang pamamalakad niya sa sa kanyang karera at opisina. May estabilidad at kapanatagan ng loob kahit salat sa pera. Kung magulo naman ang tahanan, magulo rin ang trabaho, at lalong naghihirap ang pamilya, hindi lamang sa pera kundi sa emosyon.
Nakaaambag ang ating lipunan sa pagdami ng pamilyang nagkawatak-watak dahil na rin sa kahirapan. Makikita to sa migration phenomenon sa bansa, kung saan dumami na ang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa, malayo sa kanilang pamilya.
        At sa totoo lang po, dagok ito sa mga naging pinuno at mga pinuno sa ating bayan. Dahil hindi naman aalis ang ating mga kababayan kung may sapat na kinabukasan dito sa ating bansa.








Ang Kahalagahan ng Wika


Ano ba para sa inyo ang wika? Ano ang kahalagahan ng wika sa ating mga Pilipino?                                                                                                                    Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.
           Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.

           Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.
          Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
        
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. 


Kakulangan Ng Sahod

 Hindi mo ba naisip ang mga bagay na tayong mga Pilpino ay sobrang kulang ang mga sahod? Di lang bali sa iba na ganun pero ang kakulangan ng sahod ang nagging isyu ngayon. Kawawa talaga ang walang sapat nap era para sa pabahay. Dahil sa katotohanang ito,naisipan ng gobyerno na magkaroon ng programang libreng pabahay. Ngunit dahil sa patuloy na lumalaki ang ating populasyon, hindi pa rin sapat ang  progmang libreng pabahay ng ating gobyerno.                                                                 
  Isa sa pangunahing suliranin ng ating gobyerno hanggang ngayon ang patuloy na pagdami ng mga pamilyang walang maayos na tirahan katulad ng mga squatters at mga nakatira sa tabi ng ilog. Bukod dito, karaniwang sa lungsod lamang matatagpuan ang mga maaayos na trabaho.                          
  Sa aking pananaw, may dalawang solusyon sa kakulangan sa pabahay. Una ay ang pagkontrol ng pagdami ng populasyon sa pamamagitan ng tamang pagpaplano ng pamilya.  Pangalawa ay ang pagpapaunlad ng mga lalawigan para hindi na magsiksikan sa lungsod ang mga mamamayan.  Kapag naipatupad ang dalwang ito, siguradong bababa ang bilang ng mga pamilyang walang sarilang bahay. Bababa rin ang mga pamilyang umaasa sa programang libreng pabahay ng gobyerno dahil kaya na nilang magpatayo ng sarili nilang mga bahay.



Ang Ating Kapaligiran
Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.                                                                                                                         Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Tayong mga tao talaga ang dahilan ng pagkasira ng ating kapaligiran. Kagaya ng pagtapon lang ng mga basura kahit saan at pagputol ng mga punong kahoy.Pati nagkakaroon pa tayo ng global warming dahil sa pagsunog ng mga fossil fuels na nagging sanhi ng pagkasira n gating ozone layer.                                                            
 Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.




Edukasyon


Ano ba para sa inyo ang edukasyon? Ano kaya ang kahalagahan ng edukasyon sa ating lahat? Nakatulong ba ito sa atin? Ano ang masasabi mo dito?
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad

1 komento:

  1. Lucky 88 - The official app of Lucky 88 casino
    Lucky 88 offers you the opportunity 천안 출장안마 to experience 춘천 출장샵 over 25 levels of live casino action across all 익산 출장샵 devices! Read reviews and play today! Rating: 5 구미 출장마사지 · ‎1 review 통영 출장안마

    TumugonBurahin